Ipinapakita ang mga post na may etiketa na kwento. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na kwento. Ipakita ang lahat ng mga post

Huwebes, Pebrero 16, 2012

ROSAS MAN AY MATINIK: overview

Over view ng "first time" (Para sa mga mambabasa)

Ang "first time" ay isang dugtungang nobela. Dalawa ang mastermind sa likod nito: si Liran at si Emil. Bahala na kayong hulaan kung ano ang kasarian nila, kung saan sila nakatira, ilang taon na sila, ano ang trabaho, o kursong natapos o kung tambay ba sila, walang magawa sa buhay,  ex-kriminal, kayo na ang humusga.

May ibang malilikot ang isip na pagkakamalang mahalay ang first time dahil na rin kadalasang ginagamit ang term na ito bilang pantukoy sa unang karanasan ng babae o lalaki sa pakikipagtalik. Ngunit, tumutukoy din ito sa napakaraming unang karanasan ng bida ng nobela: si Carla Trisha del Mundo, isang 20-taong gulang na dalaga.

Mala-Cinderella ang buhay ni Carla-minus the exaggeration and fairy effects. Naulila sa ama si Carla sa edad na 18. Namatay naman ang kanyang ina sa pagsilang sa kanya kung kaya't iisa syang anak. Naiwan sya sa pangangalaga ng madrasta na kasa-kasama na nila ng abogadong ama simula nang sya ay 5 taong gulang pa lamang. Hindi nagka-anak ang kanyang dad at tita, pero kahit ganoon ay di naman sya pinakitaan ng madrasta ng masama.

Ngunit, sa pagkamatay ng dad nya, bigla ring napailalim sa state of depression ang kanyang Tita Marissa.

Nalulong ito sa bisyo: alak at sigarilyo. Pilit inaliw ng 38-taong gulang na madrasta ang sarili upang makalimutan ang nasirang Atty. del Mundo. Naubos ang perang naipundar ng abogado. Pati perang nakalaan para sa future ni Carla, nalimas na parang tubig-baha. Dumating pa sa panahong napahinto sa pag-aaral si Carla ng isang semestre sa isang primerang unibersidad sa Pilipinas kung saan sya kumukuha ng AB Literature dahil na rin sa kapabayaan ng tita Marissa nya sa finances.

Sa isang pamamasyal ni Marissa sa isang lugar na puntahan ng mga medyo mahilig sa artsy-farsty, sumablay sya sa pa pa-parke ng minamanehong kotse at sumadsad sa balkonahe ng isang alternative, indie na tindahan ng libro na maraming mamahalin at bihirang librong inaangkat pa mula sa ibang bansa.

Galit na lumabas si Mr. Jonas Crisostomo--may taas na 5'8, mala-Coco Martin ang tikas pati mukha. Yun nga lamang ay mas chinito ito kay Coco at di-hamak na mas matangkad. Naka-salamin din ito na kulay itim ang frame.

"Where the hell are you from?!" galit na wika ng 24 na taong gulang na binata,

"Sorry, sorry, babayaran kita," nauutal na wika ni Marissa. Wala syang pera.

Iyon ang dahilan kung bakit naging instant kahera si Carla sa bookshop ni Jonas, isang freelancer na ma-diskarte sa buhay at masasabing maalwan kahit hindi umasa sa magulang o sumunod sa agos ng lipunan.

Miyerkules, Pebrero 15, 2012

ROSAS MAN AY MATINIK : patikim

***Isang patikim sa tuluyang nobela na "first time***
ni Liran at Emil


Pagod na pagod ako. Ang dami kong customer na puro reklamo ngayong araw.  Mas napagod pa ata ako sa reklamo nila kaysa sa mga inuutos. Lalo na si Ms. Makasipat na wala naman talagang ipinupunta sa shop kundi si Sir. Sa sobrang pagod, hindi ko na namalayang nakatulog na ako sa mesa.

Nagising ako, madilim na sa opisina habang may humahaplos ng marahan sa aking batok. Napapitlag ako at napatayo.

Si Sir Jonas. Amoy alak!
-
"Carla" masuyong bigkas ni Sir Jonas sa pangalan ko saka niya iniangat ang mukha ko.

"Sir..." nangangatol kong sagot habang nakakaramdam ng kakaibang kaba.

Ibinaba ni Sir Jonas ang mukha niya katapat ng sa akin at unti-unti niyang inangkin ang mga labi ko. Amoy na amoy ko ang alak sa hininga ni Sir Jonas maging ang lasa nito sa kanyang mapupula at malalambot na labi. Nakaramdam ako ng tila kuryenteng dumaloy sa buo kong katawan.

Hindi ko namalayang unti-unit na pala niyang inaalis sa pagkabutones ang aking suot na blouse...
-
Hindi ko tiyak kung tinugon ko ang maalab ngunit marahang halik ni Sir Jonas. Naramdaman kong naglilikot na sya sa loob ng blusa ko. Bigla akong napapitlag nang maalala ko ang sitwasyon ko, kung bakit ako napadpad dito bilang "katulong" na walang bayad, kung bakit alipin ako ngayon ni Sir.

Kumalas ako sa matagal na halikan. Nakita ko ang pagtataka sa mukha nya. Inilapit nya sa akin ang mamawis-mawis na katawan. Niyakap nya ako nang medyo mahigpit.

Damang-dama ko sa patag kong puson ang namumukol nyang pagitan.
-
Naisin ko mang kumawala ay hindi ko magawa. Nagtatalo ang aking isipan! Nanginginig ang buo kong katawan at waring may sariling buhay ang aking mga brasong dahan-dahang niyakap si Sir Jonas.
Higit kong naramdaman ang pamumukol ng kanyang harapan subalit higit pa duon ay naaninag kong napangiti siya ng lihim saka muli akong hinalikan.

Marahan, dahan-dahan na nakakapanginig sa bawat himaymay ng aking katawan. Kung kanina'y lasa ang alak, ngayo'y mas matimbang ang tamis ng kanyang mga labi.

Oo, alam kong mali subalit ipinagkanulo ako ng sarili kong katawan.