Over view ng "first time" (Para sa mga mambabasa)
Ang "first time" ay isang dugtungang nobela. Dalawa ang mastermind sa likod nito: si Liran at si Emil. Bahala na kayong hulaan kung ano ang kasarian nila, kung saan sila nakatira, ilang taon na sila, ano ang trabaho, o kursong natapos o kung tambay ba sila, walang magawa sa buhay, ex-kriminal, kayo na ang humusga.
May ibang malilikot ang isip na pagkakamalang mahalay ang first time dahil na rin kadalasang ginagamit ang term na ito bilang pantukoy sa unang karanasan ng babae o lalaki sa pakikipagtalik. Ngunit, tumutukoy din ito sa napakaraming unang karanasan ng bida ng nobela: si Carla Trisha del Mundo, isang 20-taong gulang na dalaga.
Mala-Cinderella ang buhay ni Carla-minus the exaggeration and fairy effects. Naulila sa ama si Carla sa edad na 18. Namatay naman ang kanyang ina sa pagsilang sa kanya kung kaya't iisa syang anak. Naiwan sya sa pangangalaga ng madrasta na kasa-kasama na nila ng abogadong ama simula nang sya ay 5 taong gulang pa lamang. Hindi nagka-anak ang kanyang dad at tita, pero kahit ganoon ay di naman sya pinakitaan ng madrasta ng masama.
Ngunit, sa pagkamatay ng dad nya, bigla ring napailalim sa state of depression ang kanyang Tita Marissa.
Nalulong ito sa bisyo: alak at sigarilyo. Pilit inaliw ng 38-taong gulang na madrasta ang sarili upang makalimutan ang nasirang Atty. del Mundo. Naubos ang perang naipundar ng abogado. Pati perang nakalaan para sa future ni Carla, nalimas na parang tubig-baha. Dumating pa sa panahong napahinto sa pag-aaral si Carla ng isang semestre sa isang primerang unibersidad sa Pilipinas kung saan sya kumukuha ng AB Literature dahil na rin sa kapabayaan ng tita Marissa nya sa finances.
Sa isang pamamasyal ni Marissa sa isang lugar na puntahan ng mga medyo mahilig sa artsy-farsty, sumablay sya sa pa pa-parke ng minamanehong kotse at sumadsad sa balkonahe ng isang alternative, indie na tindahan ng libro na maraming mamahalin at bihirang librong inaangkat pa mula sa ibang bansa.
Galit na lumabas si Mr. Jonas Crisostomo--may taas na 5'8, mala-Coco Martin ang tikas pati mukha. Yun nga lamang ay mas chinito ito kay Coco at di-hamak na mas matangkad. Naka-salamin din ito na kulay itim ang frame.
"Where the hell are you from?!" galit na wika ng 24 na taong gulang na binata,
"Sorry, sorry, babayaran kita," nauutal na wika ni Marissa. Wala syang pera.
Iyon ang dahilan kung bakit naging instant kahera si Carla sa bookshop ni Jonas, isang freelancer na ma-diskarte sa buhay at masasabing maalwan kahit hindi umasa sa magulang o sumunod sa agos ng lipunan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento